Aplikasyon para sa GCC Grand Tours Visa

Ano ang GCC Grand Tours Visa?

Ang GCC Grand Tours Visa, na tinatawag ding GCC Unified Visa, ay isang bagong multi-country visa na magbibigay-daan sa mga turistang dayuhan na makapaglibot sa Saudi Arabia, UAE, Qatar, Kuwait, Bahrain, at Oman gamit ang iisang aplikasyon lamang. Katulad ito ng Schengen visa, na nagbibigay pahintulot sa mga bibisita na maranasan ang paglalakbay nang walang anumang hadlang sa mga hangganan sa loob ng GCC, at ginagawang mas madali at sulit ang pagbisita sa rehiyon.

Ibig sabihin, hindi na kailangan pang mag-apply nang hiwalay na visa ang turista para sa bawat bansa sa GCC. Mas pinadali na rin ang pagsusumite ng aplikasyon dahil lahat nang ito ay maaari mo nang kumpletuhin online, at hindi na para pumunta pa sa mismong pisikal na mga embahada o mga opisina. Inaasahang mailulunsad ang GCC Unified Visa bago matapos ang 2025. Inaasahan ding magkakaroon ito ng bisa mula 30 hanggang 90 araw, at maaaring pumili ang mga aplikante sa pagitan ng single-entry at multiple-entry na opsyon.

Sino Ang Maaaring Mag-Apply?

Nasyonalidad
  • Inaasahan na ang mga mamamayan mula sa mga bansang kwalipikado para sa e-visa at visa-on-arrival sa mga bansa ng GCC ay makakapag-apply para sa GCC Grand Tours Visa.
  • Hindi na kakailanganin pa ng mga mamamayan ng GCC ang GCC Grand Tours Visa dahil makakapaglakbay sila sa loob mismo ng GCC nang hindi na nangangailangan ng visa.
Edad
  • Ang lahat ng aplikante, anuman ang edad, ay kinakailangan ng visa.
  • Ang mga menor de edad na wala pang 18 taong gulang pababa ay kinakailangan ang kanilang mga magulang na siyang magsusumite ng kanilang aplikasyon para sa GCC Grand Tours Visa.
Dahilan ng Paglalakbay
  • Malaki ang posibilidad na may bisa lamang ito para sa turismo at pagbisita sa pamilya at kaibigan.
  • Malaki ang posibilidad na hindi payagan ng Unified GCC Visa kung ito ay para sa trabaho, permanenteng paninirahan, at pag-aaral nang matagal.

Paano Mag-apply Para sa GCC Unified Visa?

Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagkuha ng unified GCC visa online:

Paano Mag-apply Para sa GCC Unified Visa?

Sundin ang mga sumusunod na hakbang sa pagkuha ng unified GCC visa online:

1

Pumili ng uri ng visa

  • Kinakailangan mong pumili kung single-country o six-country visa.
  • Kung pipiliin mo ang single-country visa, kinakailangan mong pumili ng isa mula sa anim na bansang kabilang sa GCC na binabalak mong bisitahin.
2

Sagutan ang online application form

  • Kakailanganin mo lamang sagutan ang mga karaniwang personal na impormasyon, tulad ng iyong buong pangalan, numero ng pasaporte, mahahalagang impormasyon para makontak ka, at tirahan para sa aplikasyon ng iyong GCC visa.
  • Posibleng may karagdagang mga tanong tungkol sa iyong pagbisita sa lugar at sa iyong trabaho.
3

I-upload ang mga dokumento

Kailangan mong isumite ang mga kopya ng iyong personal na impormasyon sa iyong pasaporte, passport-size na larawan, at iba pang mga kinakailangang dokumento.

4

Bayaran ang bayad sa visa

Bayaran ang mga fee para sa kategorya ng visa na napili mo gamit ang iyong debit o credit card.

5

Tanggapin ang visa

  • Ang resulta ng aplikasyon ay ipadadala sa iyong isinumiteng email sa aplikasyon.
  • Kung matagumpay, maaaring asahan ng mga aplikante na matatanggap nila ang Unified GCC Tourist Visa sa kanilang email.
  • Mas mainam na mayroon kang kopya sa iyong cellphone ng iyong naaprubahang Unified GCC Tourist Visa at i-print ito para may maipakikita kang patunay kung sakaling kailanganin mo ito.

Mga Kinakailangang Dokumento Para Sa Aplikasyon

Narito ang mga kinakailangang dokumento para sa aplikasyon ng GCC visa:

Pasaporte

Ang iyong pasaporte ay kinakailangang may bisa nang anim na buwan bago ang iyong nakatakdang pag-alis.

Pinakabagong kuha ng passport-size na larawan

  • Kinakailangan mong i-upload ang isang may kulay na larawan ng iyong sarili na sumusunod sa ilang pamantayan sa aplikasyon.
  • Halimbawa, ang kulay sa iyong likurang larawan ay solidong kulay, at ang iyong mga mata ay dapat kita.

Katibayan ng Akomodasyon

  • Kakailanganin mong mag-upload ng kopya ng kumpirmasyon mula sa booking ng hotel.
  • Kung ikaw naman ay nakikitira sa iyong mga kaibigan o pamilya, kailangan mong ibigay kung saan sila nakatira at mga mahahalagang detalye para makontak.

Katibayan ng Pondo

  • Kakailanganin mong magsumite ng katunayan na kaya mong suportahan ang iyong sarili sa buong pananatili mo sa rehiyon ng GCC.
  • Kakailanganin mong i-upload ang mga bank statement at mga resibo ng iyong sweldo.

Travel insurance

Kakailanganin mong magbigay ng kopya ng iyong travel insurance para sa mga bansang nais mong bisitahin, na may itinakdang minimum na coverage.

Tiket Papunta o Tiket Pabalik

Maaaring kailanganin sa aplikasyon ang kumpirmasyon ng iyong tiket pag-alis o pabalik.

Bayad sa Visa at Paano Magbayad

Hindi pa natutukoy ang eksaktong halaga ng Unified GCC visa, ngunit maaaring magkaroon ng dalawang magkaibang bayarin. Maaaring may opsyon para sa single-country visa na mas mura ang halaga. Samantala, ang multi-country visa na nagbibigay pahintulot sa lahat ng anim na bansa ng GCC ay malaki ang posibilidad na mas mataas ang halaga.

Maaaring magbayad nang ligtas online gamit ang iyong debit o credit card. Posible ding makapagbayad gamit ang Apple Pay o Google Pay.

Gaano Katagal ang Proseso?

Mabilis na maipoproseso ang aplikasyon para sa GCC Unified Visa upang mas mapadali ang paglalakbay. Bagama’t wala pang inilalabas na eksaktong oras ng pagproseso, ngunit asahang aabutin ito ng ilang araw hanggang isang linggo.

Tips para sa Mas Mabilis na Aplikasyon

Sundin lamang ang mga tips na ito para maiwasan ang anumang stress sa pagkuha ng GCC Unified Visa:

Tignan ang mga detalye.

  • Maaari kang ma-reject dahil sa mga mali o kulang na impormasyong inilagay mo sa aplikasyon.
  • Para maiwasan ito, siguraduhing tama at wasto ang inilagay mong pangalan, numero ng pasaporte, at iba pang mahahalagang detalye.
  • Magtanong sa kaibigan o kapamilya para masiguro mong tama lahat ng impormasyong inilagay, at masigurong wala kang nakaligtaang sagutan.
  • Siguraduhing tama ang inilagay mong email dahil dito ipadadala ang resulta sa oras na maaprubahan ang iyong visa.

Sundin ang lahat ng hinihinging mga detalye.

  •  I-upload ang passport-size na larawan at siguraduhing nasunod ang lahat ng hinihingi, tulad ng sukat at kulay ng background.
  • Siguraduhing mayroon kang travel insurance na tumutugon sa itinakdang minimum coverage.

Mag-apply nang maaga.

  • Mag-apply nang maaga bago ang iyong nakatakdang pag-alis sakaling magkaroon ng anumang pagkaantala sa pagkuha ng iyong visa.

 

Mga Kadalasang Tanong tungkol sa GCC Grand Tours Visa

Maaari kang kumuha ng Unified GCC Visa online sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong personal na mga detalye at pagbibigay ng lahat ng mga kinakailangan dokumento. Bayaran ang mga fee at maghintay ng resulta mula sa GCC Tourist Visa na ipadadala sa email sa oras na maiproseso ito.

Ikaw ay maaaring pumili sa pagitan ng single-country at multi-country na opsyon para sa Unified Visa upang makapunta sa mga bansa sa GCC. Piliin ang UAE sa ilalim ng single-country na opsyon at ipagpatuloy ang pagkumpleto ng aplikasyon online.

Inaasahang ilulunsad ang Unified Tourist Visa o ang “GCC Grand Tours Visa” bago matapos ang 2025, ayon sa pinakabagong balita tungkol sa GCC visa.

Makikinabang ang mga residente ng GCC at mga internasyonal na turista sa unified tourist visa ng Gulf Cooperation Council dahil mas mapapadali nito ang proseso ng aplikasyon para sa pagkuha ng GCC Grand Tours Visa. Ang mga turista na nais bumisita sa rehiyon ay hindi na kailangan pang mag-apply ng magkahiwalay na visa para sa anim na bansa ng GCC. Maaari na silang maglakbay sa buong rehiyon ng GCC gamit lamang ang isang online na aplikasyon ng visa, na makatutulong upang mas makatipid ng oras para sa personal na aplikasyon at sa haba ng proseso ng visa. Makakatipid din ang mga bisita sa gastos sa pagkuha ng visa.

Apply for the GCC Grand Tours Visa

Enjoy seamless travel throughout the GCC with the GCC Unified Visa now by submitting your application!

Apply Now